
Isang bagong serye ang dapat abangan ng Pinoy viewers at mga Kapuso sa GMA Afternoon Prime.
Ito ang 'A Million Dreams,' isang kuwento na magpapaalala kung gaano kahalaga ang pamilya, pangarap, at pati na rin ang pag-asa.
Sa posts ng GMA Network sa iba't ibang social media platform nitong Lunes, August 3, opisyal nang ipinakilala ang star-studded cast nito.
Mapapanood bilang lead stars ng serye sina Caprice Cayetano, Angel Guardian, at Camille Prats.
Kabilang din sa star-studded cast ang mga aktor na sina Gabby Eigenmann, Diana Zubiri, Juancho Triviño, Vaness del Moral, Lauren King, at Clifford Gaw.
Ano ang handa mong gawin para sa iyong pangarap?
Huwag palampasin ang pagsisimula ng istorya ng 'A Million Dreams,' malapit na sa GMA.