Article Inside Page
Showbiz News
The Starstruck alum has definitely come a long way from his teenybopper roots.
Mike Tan reflects on his growth as an actor ngayong malapit nang magtapos ang Mars Ravelo’s Trudis Liit. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio.
Mars Ravelo’s Trudis Liit may be down to its final three weeks, ngunit hindi ito nangangahulugan na magtatapos ang top-rating show na ito ng basta-basta lamang. Patuloy pa rin ang pagpapaisip ng buong cast sa kanilang mga manonood kung ano ang susunod na mangyayari, kaya naman patuloy pa rin ang pagsubaybay ng mga viewers dito.
Recently ay nagpaunlak ng exclusive interview with iGMA ang isa sa mga stars ng
Trudis Liit na si Mike Tan, and he has mixed emotions dahil magtatapos na ang show, but on the other hand ay patuloy pa rin ang suporta ng mga manonood sa kanila.
“Una sa lahat, masaya ako dun sa success ng show. Well, hindi lang ako, siguro lahat kami, kasi lahat naman kami pinaghirapan namin yun e,” says Mike. “Masaya pa rin, at nakakalungkot.”
Masaya din siya na malaki ang kanyang naging improvement at marami siyang natutunan sa kanyang naging experience sa
Trudis Liit.
“Malaki, marami akong natutunan, kung sabihin natin kung nag-improve ako. Kasi bawat direktor, iba-iba yung approach e, ‘di ba? Tapos ang isang mahirap, dalawa yung direktor. Magkaibang approach yun. Kahit anong sabihin natin, parehas sila ng shot,” kuwento niya. “Pero iba nang atake ‘yan e. siyempre, ang pinaka-challenge sa’yo dun, paano mo mame-maintain yung character ni Migs nang hindi nagbabago, yung nasusunod mo yung gusto nung dalawang direktor na hindi nahahalata ng audience.”
Dagdag pa niya, “Mahirap minsan kapag sinasabi nung isang direktor sa’yo, ‘O, si Mike Tan ang nakikita ko ngayon, hindi si Migs,’ so ako, parang, ‘Ano’ng nangyayari?’ Minsan nahahalata ko rin naman e. Alam naman nila kapag – at alam ko rin naman sa sarili ko – humihingi ako ng ‘Direk, isa pa’, kasi alam ko hindi ko... Si Mike Tan yung napakita ko e, tapos hindi ko naramdaman yung eksena. Ayun, pagdating sa improvement, andami kong natutunan. Sana nga madala ko e.”
Patuloy na subaybayan si Mike at ang cast ng
Trudis Liit sa kanilang nalalabing three weeks, weekdays on GMA.
Pag-usapan si Mike sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Mike.
Just text MIKE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper,
text GOMMS (space) MIKE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.