Article Inside Page
Showbiz News
Parte si Kevin sa pinaka-non-controversial batch ng 'StarStruck.' And he's now reaping the rewards by being part of two successful television shows.
For Kevin Santos, being part of the most non-controversial batch of 'StarStruck' works. And now he's reaping the rewards by being part of two ongoing series—isang prime time at isang sitcom. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.

Whenever we ask about
StarStruck sa mga graduates ng reality artista search, marami laging naikukuwento sa amin kung sino man ang kausap namin. That is, until we talked with Kevin Santos.
Being part of the second batch of
StarStruck hopefuls, Kevin says very tahimik ang grupo nila: "Parang wala kaming ingay na ginawa."
Though he does admit na may mga pasaway rin sa batch nila.
"Hindi mo naman maiiwasan ['yun]," he says. In fact, ang pinaka-memorable na pangyayari na nga raw ng batch nila ay 'yung sumaway sila ng kaunti.
Saan sila sumaway? Ayaw sabihin ni Kevin. Rest assured daw, it was not anything big. And we believe him—dahil never itong na-bring up by anyone else. What Kevin does remember most though is the friends he made in
StarStruck.
"Siyempre nagkaroon ka ng mga bagong kaibigan sa showbiz, [and] hanggang ngayon, magkakasama pa rin kami." Kevin tells us na nami-miss na nga raw niya ang kulitan nila ng mga batch mates niya. "Sana nga kumpleto kami [ulit], para masaya."
With a new batch of
StarStruck hopefuls coming in, tinanong namin ang good boy na si Kevin sa kung anong advice ang maibibigay niya sa mga baguhan.
"Ang mabibigay ko lang sa kanilang tip: huwag lalaki ang ulo nila," he tells us. Kevin says that some people, sa pagtikim sa stardom, nag-iiba na ang ugali.
"Iba kasi ang
StarStruck; 'pag pasok mo dito, kilala ka na," dagdag pa niya. At kahit bumukod pa raw ang isang
StarStruck graduate, they will forever be associated with the show.
And Kevin adds, kung gusto raw ng mga hopefuls tumagal sa showbiz, importante na "'wag silang lalaki-ulo. At saka laging lumingon sa pinanggalingan nila. Dapat yun."
Just look at Kevin—hindi nawawalan ng projects.
Juggling two shows
Right now, Kevin is part of both
Darna on GMA Telebabad and
Show Me Da Manny on Sunday nights. We asked him about the shows, and here's what he had to say: "Sobrang bait! Sobrang bait nilang lahat."
Kevin says wala siyang masabi sa mga cast mates niya—especially with regards kay Manny Pacquiao. He tells us, "Unang [kita] mo kay Pacquiao, parang ang hirap lapitan. Pero hindi." Kuwento nga ni Kevin, sobrang kalog raw si Manny sa set.
"At saka, natural 'yung comedy niya," dagdag pa ng binata.
And regarding his leading ladies, Lovi Poe and Roxanne Barcelo, Kevin says wala rin daw siyang masabi about the two: "Trabaho eh. Ang gagawin ko na lang is gampanan 'yung binibigay sa akin."
Natutuwa naman daw siya at nagugustuhan ng mga viewers ang kulitan niya with Lovi sa
Show Me Da Manny, at ang chemistry niya with Roxanne sa
Darna.
We ask him kung sino sa tingin niya ang mas bagay sa kanya, and he says, "Hindi tayo makapili eh. Lahat naman sila katrabaho ko."
Iwas pa niya, "Masasabi ko lang, abangan na lang nila 'yung katatawanan kada Linggo. At sa
Darna naman, maraming mangyayari pang twists. Abangan nila 'yung mga makakalaban ni Darna."
Catch Kevin on weekdays sa
Darna and on Sundays sa
Show Me Da Manny. You can also watch him this Friday, November 20, sa second part ng
Bubble Gang: Katoru Sei Na.
StarStruck V replaces
Celebrity Duets every Saturday beginning November 21, and airs Sundays after
Kap's Amazing Stories. Or get up to date with what's happening with the new batch of hopefuls through the daily
StarStruck Update beginning November 16.
'Wag nang magpahuli sa mga balita sa buhay ni Kevin!
Just text KEVIN (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Pag-usapan si Kevin at ang kanyang mga projects sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!