GMA Logo Aaron Maniego
Source: maniegogogo/IG
What's on TV

Aaron Maniego, nakaranas ng bullying dahil sa pangangatawan

By Kristian Eric Javier
Published February 21, 2026 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What’s next for Alex Eala after Middle East swing?
GMA Network caps 2025 with ratings leadership, digital dominance
Philippine classic 'Noli Me Tangere' set for Arabic translation

Article Inside Page


Showbiz News

Aaron Maniego


Ginawang motivation ni Aaron Maniego ang pambu-bully na naranasan noon para mapaganda ang sarili at ang kaniyang "revenge body".

Marami ang humahanga ngayon sa content creator at pinakabagong Ka-Bubble na si Aaron Maniego dahil sa kaniyang galing sa pagpapatawa, at sa kaniyang magandang pangangatawan. Ngunit pag-amin ng social media star, dati na siyang na-bully dahil din dito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, kasama ang iba pang bagong Ka-Bubble, ibinahagi ni Aaron ang kuwento tungkol sa sinasabi niyang “revenge body.”

“Kasi po nu'ng kabataan ko po, binubully po ako dahil sa itsura ko. Hindi ako 'yung tipong kagandahan nu'n and mataba po ako, marami akong acne, and in terms of what society told me was attractive, I was not. That broke me,” sabi ni Aaron.

Kaya naman, noong pandemic, nagsimula siyang mag-work out sa bahay at magpunta sa gym noong matapos ang lockdown. Ngunit ayon sa social media star, ginawa niya ito hindi para sa sarili, hindi dahil may gusto siyang patunayan sa ibang tao.

“At first, I worked out. I started working out during the pandemic as a form of revenge. Tawag dito, revenge body. And to prove people wrong, not for myself at that point in time. It started off like that,” sabi ni Aaron.

TINGNAN ANG ILANG KAPUSO MALE STARS NA PUWEDENG GAWING FITSPIRATION:

Ngayon ay masaya at proud si Aaron sa takbo ng kaniyang karera, lalo na at isa na siya sa mga bagong mapapanood sa Bubble Gang matapos mapagtagumpayan ang “Bubble Gang ng Bayan” auditions.

Kuwento pa ni Aaron, nakita lang niya online ang detalye ng audition at naisipan itong subukan.

“Nakita ko lang po online 'yung audition and I wanted to take a shot at it kasi 'yun din po ang ginagawa ko sa social media,” sabi niya.

Panoorin ang panayam kay Aaron at sa iba pang bagong makikigulo sa Bubble Gang dito: