What's Hot

Abangan ang apat na nakakagandang love stories sa 'Ugly Duckling'

Published May 9, 2019 2:47 PM PHT
Updated May 10, 2019 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Hango sa popular teen romance novels ang mga kuwento sa 'Ugly Duckling,' ang pinakabagong Thai kilig series na handog ng GMA Heart of Asia.

Hango sa popular teen romance novels ang mga kuwento sa Ugly Duckling, ang pinakabagong Thai kilig series na handog ng GMA Heart of Asia.

GMA Heart of Asia
GMA Heart of Asia

Ang Ugly Duckling ay ang fictional online forum kung saan nagtitipon ang mga teenage girls para pag-usapan ang kanilang mga insecurities--pisikal man ang mga ito o panloob.

Sa episode ng "Perfect Match," magkakaroon ng matinding allergic reaction si Julia (Worranit Thawornwongs) sa kanyang plastic surgery. Magtatago siya sa probinsiya habang nagpapagaling. Dito niya makikilala ang gwapo at flirtatious na si Leo (Puttichai Kasetsin). Sincere kaya ang pakikipagkaibigan nito sa kanya?

Makikilala naman ang sa "Pity Girl" si Alice (Neen Suwanamas) na nagkaroon ng amnesia matapos mahulog mula sa isang puno. Buti na lang, nandiyan si Andy (Nachat Janthapan) na tumulong sa kanya matapos ang aksidente at hindi na umalis sa tabi niya. Pero sino ba itong transfer student na si Aston (Natcha Janthapan) na gusto ring tumulong sa kanya na maalala ang nakaraan niya?

Nabuhay naman ng may cardboard box sa kanyang ulo si Mona (Wiraporn Jiravechsoontornkul) sa "Don't." Tinawag kasi siyang pangit ng kanyang crush noong grade school at simula noon, umiwas na si Mona sa mga tao. Sa pagbabalik niya sa school, makikilala niya ang sweet na si Minton(Chatchawit Techarukpong) at ang astig na si Zero (Jirakit Thawornwong). Pero may posibilidad na isa sa kanila ang crush nya na nang-reject sa kanya noon.

Sa "Boy's Paradise" naman, tatlong gwapong mga lalaki ang magiging tenant sa pension house nina Kimmie (Esther Supreeleela). Pakana ito ng kanyang nanay na umaasang magka-love life na si Kimmie at makapili kina CU (Sean Jindachote), Reggie (Korn Khunatipapisiri) at LJ (Kitkasem Mcfadden). Pero tila lamang si CU ang pipiliin ni Kimmie dahil magpapanggap ito na fake boyfriend nya nang magipit siya.

Tiyak na kakaibang kilig ang hatid ng mga kuwentong ito sa Ugly Duckling, ngayong summer na sa GMA Heart of Asia!