
Isa na namang bago at exciting na segment ang tututukan sa morning variety show na TiktoClock!
Simula August 14, mapapanood na ang "Sagot Kita, Pilipinas." Isa itong family-friendly trivia quiz game kung saan ang sasagot sa mga tanong ay ang guest celebrity players ng TiktoClock at ang premyo ay pwedeng mapanalunan ng ating mga Kapuso partners.
Makakatulong ng celebrity players sa "Sagot Kita, Pilipinas" ang Pasa-got Crew. Sila ang makakasama ni celebrity player sa pagsagot ng mga tanong at physical challenges mula sa roleta.
Sa huli ay haharap sila sa high-risk “Double or Nothing Question” kung saan kapag nakasagot ng tama si celebrity player, madodoble ang additional cash prize. Kapag mali, mawawala na ang nakolektang additional prize.
Mapapanood na ang buong detalye ng "Sagot Kita, Pilipinas" simula sa Lunes, August 14. Samantala, patuloy pa rin na sumubaybay sa ibang masasayang segments na "Sure Prize", "Hale Hale Hoy", "'Sang Tanong, 'Sang Sabog", at "Beat My Birit" sa TiktoClock.
Abangan ang pagsisimula ng "Sagot Kita, Pilipinas" ngayong August 14 sa TiktoClock, 11:15 am sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.