GMA Logo Chef JR Royol
What's on TV

Abangan ang 'Farm to Table,' ang bagong cooking show ng GMA News TV

By Maine Aquino
Published January 28, 2021 3:03 PM PHT
Updated February 17, 2021 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Chef JR Royol


Abangan ang bagong cooking show na ito ngayong February 2021!

Ngayong February 2021, isang bagong cooking show ang handog sa atin ng GMA News TV.

Ang Farm to Table ay ang programang pagbibidahan ng ating bagong Kapuso chef na si Chef JR Royol. Si Chef JR ay may lahing Igorot at Bicolano. Siya ay isang dating executive chef sa isang hotel at grand winner ng isang reality cooking show.

Photo source: @jrroyol

Nakilala rin si Chef JR bilang representative ng Pilipinas para sa iba't ibang mga food festivals sa ibang bansa. Ilan sa mga ito ay ang 116th Independence Day celebration sa Kobe, Japan noong 2014 at ang 121st Philippine Independence Day Celebration sa Yangon, Myanmar na ginanap noong June 2019. Naging guest chef naman siya sa Sule Shangri-La, Yangon para sa isang Filipino Food Festival noong June 2020.

Sa Farm to Table ay makikita natin ang iba't ibang mga farms sa bansa. Gamit ang fresh ingredients mula sa mga farms na bibisitahin ni Chef JR, gagawa siya ng ilang nakakatakam na dishes para sa mga manonood.

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng Farm To Table soon sa GMA News TV.