
Isa na namang panibagong adventure ang hatid ng GMA FantaSeries sa inyong mga umaga.
Mula sa China, ang Fighter of Destiny ang most-watched Asian series online!
Tampok dito si Lu Han, dating miyembro ng popular Korean-Chinese idol group na EXO.
Gaganap siya bilang si Changsheng Chen, isang batang ulila.
Mapupulot siya ng isang Taoist monk at kukupkupin siya nito bilang disipulo sa templo.
Hindi niya alam na siya ang pang-apat na prinsipe ng maharlikang pamilya Chen.
Isinumpa siyang hindi na mabuhay lampas 20 taong gulang. Dahil dito, maglalakbay siya para humanap ng lunas sa sumpang ito.
Malabanan kaya ni Changseng Chen ang kanyang kapalaran?
Abangan ito sa Fighter of Destiny, simula February 26, Lunes hanggang Biyernes, 9:15 am sa GMA FantaSeries.