
Sa pagtatapos ng lakorn series na Game of Outlaws, makukuha na kaya nina Jennifer (Natapohn Tameeruks) at Relissa (Pimpawee Kograbin) ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga ama?
Sa patuloy na paglaban ng Special Investigation Center (SIC) sa mga sindikato, ilang pagsubok ang pinagdaanan nina Jennifer at ni Relissa. Ang isa ay ginawang kriminal, habang ang isa naman ay pinapabuyaan ng pagtaas ng rango.
Pero sa tulong nina Aaron (Mark Prin Suparat) at Marvin (Top Jaron Sorat) ay unti-unting kinaya ng magkapatid ang mga pagsubok na pinagdaanan nila.
At sa pagtatapos ng serye, ay kinaharap nina Aaron at Jennifer ang pinakamatindi nilang kalaban, ang SIC, na mismong pinagsisilbihan nila.
Makaligtas kaya sila sa huling pagsubok na ito at makamit ang hustisya, at masayang ending?
Abangan sa exciting na finale ng Game of Outlaws, Biyernes, 5:10PM sa GMA.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG FUN FACTS TUNGKOL SA BIDA NITONG SI NATAPOHN TAMEERUKS DITO: