What's on TV

Abangan ang mga komedyanteng sina Philip Lazaro, Kim Idol at Tammy Brown sa 'Full House Tonight!'

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 17, 2017 8:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Full House Tonight!, ngayong Sabado (February 18) na.
 

Maliban sa mga singers, dancers, and actors, dapat din abangan sa Full House Tonight! ang mga talentadong comedians na tiyak na bubusog sa inyo sa katatawanan gaya na lang nina Philip Lazaro, Kim Idol at Tammy Brown. 

 

Ayon kay Philip, ibang klaseng talent ang mapapanood sa Full House Tonight! dahil lahat ng miyembro ng kanilang show ay kilala sa kani-kanilang field.

"Hindi ito show na isang pucho-pucho show na pinulot lang kami sa kalsada. Lahat kami may mga trabaho and we are all making it good in our own field, kami ay hand-picked at pinagsama-sama kami. It's a combination of live comedy and TV comedy," saad ng beteranong komedyante.

Para naman kay Tammy Brown, kahit sampung taon na siyang nagsa-stand up comedy, marami pa rin siyang natutunan sa show para sa ikagagaling niya bilang comedian.

Aniya, "Ang sarap mag workshop kasi kami na nasa comedy bar nagwo-work, may mga hindi kami alam pang-TV. Ang dami naming natutunan dito at pinagsama-sama namin 'yon para maging maganda 'yung Full House Tonight!"

Isa pa sa dapat abangan sa Full House Tonight! ay ang nag-iisang Asia's Songbird Regine Velasquez.

Ani Kim, "Ang pinaka hindi niyo kekerihin [dito], kasama namin si Songbird (Regine Velasquez) na makikipagbiruan at makiki-comedy sa amin. Alam nating lahat na si Songbird naman, talagang may comedy side."

Masaya rin si Philip sapagka't makakatrabaho niya uli ang Songbird. 

"I've worked with her before pa sa mga movies niya [at] hand-picked niya ako to be her best friend. Starstruck ako 'nung una pero siya 'yung magpaparamdam sa'yo na isa siyang normal na tao. Kung idol mo si Regine Velasquez, lalo niyo siyang magiging idol kapag nakatrabaho mo siya, mabait at professional 'yan. Pero the most admirable thing about Regine Velasquez ay 'yung love niya sa family niya," wika niya.

Panoorin ang two-part Facebook Live videos nina Philip, Kim Idol at Tammy Brown below kung saan ipapatikim nila ang comedy na mapapanood sa Full House Tonight!

 

NOW: Ang mga kuwelang hosts ng Full House Tonight, makakabonding natin this afternoon!

Posted by GMA Network on Thursday, February 16, 2017

 

NOW: Ang mga kuwelang hosts ng Full House Tonight, makakabonding natin this afternoon!

Posted by GMA Network on Thursday, February 16, 2017

 

Full House Tonight!, ngayong Sabado (February 18) na.