
Patuloy ang pagliliyab ng Nagbabagang Luha, ang pinakamainit na drama sa hapon.
Sa episode nito ngayong Huwebes, August 26, lalong titindi ang mga pagsubok na darating sa buhay ni Maita (Glaiza De Castro).
Kung akala niya ay is Judy (Myrtle Sarrosa) lang ang karibal niya sa nobyong si Alex (Rayver Cruz), gigimbal sa kanya ang isa pang pantatraydor dahil ang kanyang bunsong kapatid na si Cielo (Claire Castro) ay sasali sa gulo.
Attracted si Cielo sa boyfriend ng kanyang Ate Maita kaya kahit sila ay magkadugo, patuloy si Cielo sa kanyang planong maangkin si Alex mula sa kapatid.
Gaano nga ba kakilala ni Maita si Cielo? At hanggang saan ang kaya niyang tiisin para sa kapatid?
Subaybayan ang mga kapana-panabik na eksenang 'yan ngayong hapon sa Nagbabagang Luha, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.
Kung hindi ninyo mapanood ang episode mamaya, maaaring balikan ang full episodes ng Nagbabagang Luha at iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.
Pinagbibidahan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz ang Nagbabagang Luha, kasama si Claire Castro.
Tampok din sa serye sina Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Karenina Haniel, at Ms. Gina Alajar.
Mula sa direksyon ni Ricky Davao, ang Nagbabagang Luha ay mula sa nobela ni Elena Patron na isinapelikula noong 1988 ng Regal Films.