
Itinuon ni Busaba (Bee Namthip Jongrachatawiboon) ang kanyang buhay sa pag-aaral at pagluluto ng Thai cuisine. Sa talento at dedikasyon niya sa kanyang pagluluto, hindi malayo para sa kanya ang maging pinakamagaling na chef.
Ngunit mukhang hindi ayon ang mga pagkakataon sa kanya nang matagpuan niya ang sarili na wala na ngang trabaho, niloloko pa ng boyfriend.
Sa pagharap niya sa mga problema ay makikilala niya si Miguel (Film Thanapat Kawila), anak ng isang prominenteng pamilya na kilala sa iba't-ibang mga negosyo, ngunit mas piniling tahakin ang sarili niyang landas at nagbukas ng isa sa mga pinakakilalang restaurant.
Ang hindi inaasahang pagkikita nila ay magbibigay din ng magandang oportunidad kay Busaba, dahil kailangan ni Miguel ng bagong chef at pasok naman ang kakayanan ng dalaga.
Ngunit ang magandang samahan nila ay gagawing mas kumplikado nang unti-unting magkagusto si Busaba kay Miguel. Isa ba itong recipe para masira ang partnership nila, o maging dahilan ito para mas tumamis ang kanilang buhay?
Abangan sa My Name is Busaba, September 11, sa GMA.