
Magbabalik ang isa sa pinakamamahal na Koreanovelas sa Asia, ang historical drama na Queen Seondeok.
Kuwento ito ni Prinsesa Deokman (Lee Yeo-won) at ng kanyang pag-angat sa kapangyarihan bilang isang reyna.
Ipinanganak bilang mas bata sa isang pares ng kambal na babae, itinago siya ng kanyang amang hari para protektahan ang kanyang buhay laban kay Mishil (Go Hyun-jung) na naghahangad sa trono.
Nang mamatay ang kanyang kakambal na si Prinsesa Cheonmyung (Park Yeh-jin), gagawin ni Deokman ang lahat para mabawi ang kaharian nakatakda para sa kanya.
Panoorin muli ang Queen Seondeok, simula December 10, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 pm sa GMA News TV.