GMA Logo Hyun Bin and Ha Ji won in Secret Garden
What's Hot

Abangan ang pagbabalik ni Hyun Bin at ng 'Secret Garden' sa GMA!

By Bianca Geli
Published May 29, 2020 4:59 PM PHT
Updated May 30, 2020 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Hyun Bin and Ha Ji won in Secret Garden


Mapapa-throwback ka kay Hyun Bin sa magical rom-com na 'Secret Garden,' malapit na sa GMA Heart of Asia.

Abangan ang pagbabalik ng ultimate GMA Heart of Asia oppa na si Hyun Bin (Memories of Alhambra, My Name is Kim Sam-soon) kasama ang isa sa top beauties ng Korea,
si Ha Ji-won (Hwang Jini, Empress Ki).

Panoorin sila sa hit Koreanovela na Secret Garden--ang romantic comedy na may kakaibang twist.

Isang kakaibang aksidente ang maglalapit kina Owen (Hyun Bin) at Jamie (Ha Ji-won), dalawang nilalang mula sa magkaibang buhay.

Si Owen ay tagapag-mana ng department store business ng kaniyang pamilya habang si Jamie ay isang stuntwoman na galing sa hirap matapos maulila sa magulang.

Magku-krus ang kanilang landas at magiging mala-aso't pusa ang dalawa.

Magbabago ang tadhana ng dalawa nang magising sila isang umaga na nagkapalit ang kanilang katawan.

Ano kaya ang rason ng kanilang magical body switch?

Abangan sa Secret Garden, malapit na sa GMA Heart of Asia!