
Magbabalik Kapuso na ang Korean star na si Kim Myung-Soo or L, na member ng K-pop group na Infinite, sa Angel's Last Mission na pinarangalan ng Korean Ballet Association para sa pagpapalaganap nito ng kamalayan tungkol sa ballet.
Abangan si L bilang si Dan, isang optimistic at pilyo na anghel na mapaparusahan at magiging fallen angel. Mabibigyan si Dan ng mission para makabalik sa langit. Kailangan niyang hanapan ng true love si Heaven (Shin Hye-Sun), isang talented ballerina na naging mapait ang pananaw sa pag-ibig simula nang mabulag ito. Samantalang ang mentor naman ni Heaven na si Michael (Lee Dong-Gun), unti-unting mahuhulog kay Heaven, ngunit may tinatago itong sikreto - isa rin pala siyang fallen angel tulad ni Dan.
Makuha kaya ni Heaven na magmahal muli? At ang fallen angel na si Dan, magtagumpay kaya sa mission o makahanap ng sarili niyang Heaven sa lupa?