
Matapos ang jam-packed na Musikalye sa Eton Centris, dadalaw naman sa South ang Studio 7 para sa pangalawang Musikalye na gaganapin ngayong February 7, 5:00 p.m. sa Mall of Asia Music Hall.
Free admission ito kaya makisaya sa cast ng Studio 7 kasama sina Rita Daniela, Sanya Lopez, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Therese Malvar, Manolo Pedrosa, Betong Sumaya at ang OPM iconic bands na 6Cyclemind, Sponge Cola, Salbakuta at si Mark Carpio.