What's Hot

Abangan ang sweet na kuwento ng 'Charming Girl'

Published February 1, 2019 12:09 PM PHT
Updated February 6, 2019 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Tikman ang tamis ng pag-ibig sa 'Charming Girl.'

Isa na namang Lakorn o Thai series ang hatid ng GMA Heart of Asia ngayong Pebrero.

Tikman ang tamis ng pag-ibig sa Charming Girl.

Bibisita ang balikbayan na si Von (Tilapornputt Jespipat) sa paborito niyang Thai dessert restaurant para kumisyunin ito na gumawa ng iba't ibang mga panghimagas para sa kanyang upcoming na kasal.

Pero hindi matutuloy ang kasal dahil matutuklasan niyang pinagtataksilan siya ng kanyang fiancée!

Tila sinusundan talaga ng malas si Von dahil masasangkot siya sa isang car accident. At dahil kababalik lang niya ng bansa at nakipaghiwalay pa sa kanyang nobya, walang maaasahan ni Von na mag-alaga sa kanya.

Buti na lang nakilala niya si Beverly (Termthanaporn Wanida), ang pilya pero friendly na apo ng may-ari ng dessert shop. Sa pakiusap na rin ng nanay ni Von, si Beverly na ang mag-aalaga sa kanya habang nagpapagaling ito.

Umumbra kaya ang charm ni Beverly sa brokenhearted na si Von?

Huwag palampasin ang kanilang kuwento sa Charming Girl, ngayong Pebrero na sa GMA Heart of Asia!