GMA Logo Romantic Deception on GMA
What's Hot

Abangan ang Thai drama na 'Romantic Deception' sa GMA

By Faye Almazan
Published December 18, 2023 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Romantic Deception on GMA


Paano kung kinakailangan mong ikasal sa taong kinamumuhian mo?

Isang intense at kapanapanabik na Thai drama na naman ang dapat abangan dahil malapit nang ipalabas ang Romantic Deception sa GMA.

Ang kuwento ng upcoming lakorn ay iikot sa komplikadong buhay nina Roy (Puen Khanin Chobpradit), Patty (Chippy Sirin Preediyanon), at Korina (Kat Trinnaya Morson).

Labis na nasaktan si Roy nang malaman niyang nagkaroon ng relasyon ang kaniyang girlfriend na si Korina sa kaniyang amang si Gerard at pinili siyang iwan ni Korina para rito.

Lalong sumidhi ang galit ni Roy kay Korina nang maging primary suspect ang dalaga sa biglaang pagkamatay ng kaniyang ama at magpakalayo ito kasama ang ibang lalaki.

Nang dahil dito ay napagbuntunan ng galit ni Roy ang kapatid ni Korina na si Patty, na may matagal nang lihim na pagtingin kay Roy.

Samantala, kinailangang makasal nina Roy at Patty sa isa't isa nang mapag-alaman nilang nakasaad ito sa last will and testament ni Gerard at hindi makukuha ni Roy ang kaniyang mana kung hindi nila susundin ang kondisyon.

Paano mamumuhay sina Patty at Roy sa piling ng isa't isa? Sino nga ba ang pumatay kay Gerard?

Abangan sa Romantic Deception sa Enero 2024 sa GMA.