GMA Logo nagbabagang luha finale
What's on TV

ABANGAN: Ang walang kasing-init na pagtatapos ng 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos
Published October 23, 2021 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

nagbabagang luha finale


Huwag palampasin ang pagtatapos ng 'Nagbabagang Luha' ngayong Sabado, October 23, sa GMA Afternoon Prime.

Sa pagtatapos ng Nagbabagang Luha, lalong magliliyab ang mga damdamin sa pinakamainit na kuwento tuwing hapon.

Ngayong Sabado, October 23, masusubok ang pagmamahal ni Maita (Glaiza De Castro) para sa kapatid na si Cielo (Claire Castro) hanggang sa dulo.

Kahit nasa bingit ng kamatayan, handa pa ring ialay ni Maita ang kanyang buhay para sa kapatid sa kabila ng mga ginawa nitong pagtataksil.

Makaligtas kaya si Maita mula sa panganib at magkaroon pa kaya siya ng pagkakataong mabawi ang mga inagaw sa kanya?

At ano ang kahihinatnan ng mga kasalanan ni Cielo sa kanyang ate at sa mga taong nakapaligid sa kanya?

Masasagot ang mga katanungang iyan sa finale ng Nagbabagang Luha mamayang 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaari itong balikan sa GMANetwork.com o GMA Network app.