What's Hot

ABANGAN: Anong kapalaran ang naghihintay kay Ella sa 'Goblin: The Lonely and Great God'?

Published October 28, 2022 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

kim go-eun in goblin


Mapapanood ang huling episode ng ''Goblin: The Lonely and Great God' ngayong Biyernes, October 28, alas singko ng hapon sa GMA.

Ngayong Biyernes, mabubunyag na kung ano ang kapalaran ni Ella sa pagtatapos ng kinagigiliwang K-drama sa hapon na Goblin: The Lonely and Great God.

Sa huling episode nito, malalaman kung saan mauuwi ang date ng Goblin at ni Ella.

Habang nagmamaneho, kailangang gumawa ng desisyon ni Ella para hindi mapahamak ang mga batang nasa daan.

Habang naiipit sa isang sitwasyon, mailigtas kaya niya ang kanyang sarili? O pipiliin na lang niya ang kamatayan para sa ikabubuti ng mga tao sa paligid niya?

Huwag 'yang palampasin sa finale ng Goblin: The Lonely and Great God ngayong October 28, alas singko ng hapon sa GMA.

Samantala, sa pagtatapos ng K-drama, mapapanood ang isa na namang handog ng GMA Heart of Asia simula Lunes.

Abangan ang Chinese romantic drama series na Put Your Head On My Shoulder na pinagbidahan nina Xing Fei at Lin Yi, na lalabas bilang Molly at Wayne sa Filipino-dubbed version ng serye.

Mapapanood ang Put Your Head On My Shoulder weekdays, simula October 31, 5 P.M. bago ang Family Feud sa GMA.

KILALANIN ANG CHINESE ACTOR NA SI LIN YI NA BAGONG MAGPAPAKILIG SA HAPON: