GMA Logo Clarissa Manaloto debut
What's on TV

ABANGAN: Clarissa Manaloto's 18th birthday

By Aedrianne Acar
Published October 9, 2024 2:02 PM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News

Clarissa Manaloto debut


Save the date! Ang Manaloto family, may malaking party para kay Clarissa (Angel Satsumi) this Saturday night.

Imbitado tayo sa engrandeng selebrasyon ngayong Sabado ng gabi sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Ang unica hija nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes), magdiriwang na ng kaniyang debut!

Kaya abala na ang lahat sa mansyon para ihanda ang isang memorable party para sa ating birthday girl.

At ang special wish ni Clarissa (Angel Satsumi) ay tumugtog ang favorite rock band niya sa kaniyang debut.

Makuha kaya ng kapatid ni Chito (Jake Vargas) ang hiling niya, kung si Patrick (John Feir) ang ma-assign sa pag-contact sa naturang banda?

Sama-sama tutukan with the whole family ang masayang party ng Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong October 12 sa oras 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

RELATED CONTENT: The amazing transformation of 'Pepito Manaloto' actress Angel Satsumi