
Gusto n'yo ba ng more exclusive update tungkol sa nangyayari sa harap at likod ng camera sa shooting ng My Father's Wife?
Puwes, puwede n'yo na makuwentuhan ang ilan sa cast ng bagong GMA Drama series habang nanonood sa Kapuso Livestream.
Makipag-bonding while watching the intense scenes of My Father's Wife kasama sina Maureen Larrazabal, Andre Paras, Caitlyn Stave, at Shan Vesagas bukas, July 4.
At para iwas FOMO ulit-ulitin ang panonood ng full episode ng My Father's Wife sa official showpage nito sa GMANetwork.com.
Tutukan ang gumagandang kuwento nina Robert (Gabby Concepcion), Gina (Kylie Padilla), Gerald (Jak Roberto), at Betsy (Kazel Kinouchi) sa My Father's Wife, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime.