What's on TV

Abangan sa 'Karelasyon': 'Unico Hijo'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 23, 2020 6:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ang anak mong akala mo ay perpekto, may madilim na sikreto

 

 

Dugo at pawis ang ipinuhunan ng single parent na si Lina para maitaguyod nang maayos ang kanyang anak na si Miguel.  Abot langit nga ang naging sakripisyo niya para lang lumaki nang desente, kumportable ang anak. At ngayong makapagtatapos na ng kolehiyo ang kanyang kaisa-isang anak, ang buong akala ni Lina ay makaka-hinga na siya nang maluwag.

 

Ang hindi niya alam, may matagal na palang inililihim si Miguel sa kanya. Ang unico hijo ni Lina ay may sikretong relasyon pala sa mas nakakatandang babaeng si Irene na isa ring single mom.  Samakatuwid, para kay Lina ay pumapasok sa isang masalimuot at maselang sitwasyon ang anak. Sa tingin niya ay binabalewala ni Miguel ang lahat ng kanyang paghihirap dahil isusugal lamang niya ang kanyang kinabukasan sa isang relasyong hindi tama dahil imbes na makapag-simula si Miguel sa kanyang magandang buhay ay sasabak pa ito sa buhay ama nang hindi oras. 

Sa kanyang kagustuhang tuldukan ang relasyon ng anak, hinanap at ipinaalam ni Lina sa dating karelasyon ni Irene ang tungkol sa dalawa. Ngunit ang panghihimasok na ito ni Lina ay magdudulot ng mas masahol na problema at sakuna!

Ito ang sunod na kwentong handog ng Karelasyon! Pagbibidahan ni Ms Cherry Pie Picache kasama sina Martin del Rosario, Katherine Luna at Carl Guevarra. Sa panulat ni Jerome Zamora at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.