Article Inside Page
Showbiz News
Naaalala niyo pa ba ang bandang MOONSTAR88 na nagpasikat ng awiting ito? Ngayong Sabado sa 'Wagas,' abangan ang love story sa likod ng kanta….
"Huwag nang mag-alala…Hindi ko aaminin sa'yo… Torete… Torete… Torete sa'yo!"
Naaalala niyo pa ba ang bandang Moonstar88 na nagpasikat ng awiting ito? Ngayong Sabado sa 'Wagas,' abangan ang love story sa likod ng kanta….
Ngayong Sabado, abangan sina Glaiza De Castro at Renz Fernandez sa isa na namang nakakakilig na love story na may kasama pang kantahan! #Wagas
Posted by Wagas on Wednesday, November 4, 2015
Isang musical drama sa direksyon ni Jefferey Hidalgo ang bibigyang buhay nina Glaiza de Castro at Renz Fernandez. Ito ang kwento ng tunay na pag-ibig ng former Moonstar88 vocalist at nagpasikat ng kantang 'Torete' na si Acel Bisa.
Kasagsagan ng kasikatan ng kanilang banda noon nang dumaan si Acel sa pinakamababang punto ng kanya buhay. Halos gusto na raw niyang magpakamatay. Ang hindi niya alam, may isang fan na palagi siyang ipinagdarasal.
Nagkakilala sina Acel at si Danny Van Ommen sa isang church group na pareho nilang kinabibilangan. Dahil pareho ring mahilig sa musika, naging magkaibigan sila. Unti-unting nagkakagusto si Acel sa magalang at mabait na si Danny, pero dahil mas matanda siya ng anim na taon, itinuturing lang siyang 'ate' ni Danny.
Matagal nang single si Acel kaya pinagdesisyunan niya na ipasa-Diyos na lang ang nararamdaman niya. Hanggang sa isang araw, mababasa niya ang mga tula ni Danny na lahat pala ay tungkol sa kanya.
Pareho pala nilang ipinagdarasal ang isa’t isa!
Sabay-sabay tayong maniwala ulit sa 'Forever' ngayong Sabado 7 P.M. sa 'Wagas' on GMANewsTV.