
Sikat pero istrikto ang tanyag na talent manager na si Madam Pushy (Ploy Laila Boonsayak). Matinik ito sa paghahanap ng mga potential superstar.
Isa sa major projects niya ang pasikatin ang guwapong si Next (Mario Maurer), pero kailangan niya munang maunahan ang kaniyang karibal na talent manager na si Jeric (Chai Chatayodom Hiranyatithi) sa pagkuha kay Next. Matagal nang magkaribal sina Madam Pushy at Jeric at malalim ang sama ng loob ni Madam Pushy kay Jeric dahil sa paniniwala niyang may kinalaman ito sa pagkamatay ng kaniyang bestfriend na minsa'y naging talent ni Jeric.
Lumaking ampon ang simpleng binata na si Next. Nang magkaroon ng pagkakataon na maging artista, handa itong gawing lahat para makaipon at mahanap ang kaniyang tunay na mga magulang.
Magtagumpay kaya si Madam Pushy sa superstar project niya para kay Next? Paano na lang kung mahulog si Madam Pushy kay Next? Ito na ba ang susubok sa kakayanan niya bilang talent manager?
Tunghayan ang Thai superstars na sina Mario Maurer at Ploy Laila Boonsayak sa una nilang tambalan sa GMA Heart of Asia para sa isang romantic comedy na tiyak na magpapatibok sa mga puso niyo.
Abangan ang Madam Pushy And I sa GMA Heart of Asia, malapit na!