GMA Logo
What's Hot

Abangan si Yeo Jin Goo sa 'Into the World Again'

By Bianca Geli
Published December 2, 2019 5:23 PM PHT
Updated December 23, 2019 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Mula sa K-dramas, mapapanood na ang Korean actor na si Yeo Jin Goo (Hotel del Luna) at Lee Yeon-Hee (A Millionaire's First Love) sa upcoming GMA Heart of Asia offering na 'Into the World Again.'

Paano kung magkaroon ka ng second chance sa buhay?

Mula sa K-dramas, mapapanood na ang Korean actor na si Yeo Jin Goo (Hotel del Luna) at Lee Yeon-Hee (A Millionaire's First Love) sa upcoming GMA Heart of Asia offering na Into the World Again.

Isang 19-year-old high school senior lamang si Aaron (Yeo Jin-Goo) nang magbago ang kaniyang buhay. Sa araw ng kaniyang 19th birthday, may matutuklasang patay na estudyante si Aaron. At habang naghahanap siya ng tulong, masasagasaan siya at mamamatay. Aakalain ng mga tao na si Aaron ang pumatay sa kapwa niya estudyante.

Magigising na lamang si Aaron isang araw at matutuklasang labing-dalawang taon na ang lumipas mula ng araw ng kaniyang pagkamatay. Ang kaniyang dating kasintahan na si Lauren (Lee Yeon-Hee) ay kasalukuyang 31 years old na, habang siya'y 19 pa rin.

Ngayong nagbabalik sa mundo si Aaron, layunin niyang hanapin kung sino ang tunay na salarin sa pagpatay sa kaniyang ka-eskwela at kung sino ang salarin sa kaniyang pagkamatay.

Magkaroon pa kaya ng second chance sa buhay si Aaron? Abangan sa Into the World Again, ngayong December na.