GMA Logo Game of Affection
What's Hot

Abangan sina Nikki at Lucky ng hit Lakorn 'Game of Affection' sa Heart of Asia

By Aimee Anoc
Published July 2, 2021 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Game of Affection


Love will always be stronger than hate.

Paparating na sa Heart of Asia ang hunk Thai actor na si James Jirayu Tangsrisuk at top Thai actress na si Taew Natapohn Tameeruks ng hit Lakorn 'Game of Affection'.

Makakayanan mo kaya kung sa pagbalik mo ay wala na ang kumpletong pamilya na kinagisnan mo? Samahan si Taew bilang si Nikki na haharap sa mabibigat na desisyon ng kanyang buhay para sa pamilya at pag-ibig.

Mayaman, maganda at tagapagmana. Maituturing mang na kay Nikki na ang lahat ngunit mayroon pa ring importanteng bagay na kulang sa kanya, ang masayang pamilya. Naghiwalay ang kanyang mga magulang nang muling magpakasal ang kanyang ama sa mas bata at dating beauty queen na kasing edad lamang din ni Nikki.

Gagampanan naman ni James ang karakter ni Lucky na isang ulila at kinupkop ng pamilya ni Nikki. Aangat sa buhay at haharap sa isang mabigat na desisyon, ang pagpapakasal kay Nikki.

Ngunit paano kung si Lucky pala ay dating karelasyon ng bagong asawa ng ama ni Nikki?

Desidido na si Nikki na maibalik ang kanyang pamilya kahit na ang kaligayahan pa niya ang maging kapalit, Kahit na kailanganin niya pang harapin ang mapanganib na laro ng pag-ibig.

Ilan pa sa mga karakter na aabangan sa 'Game of Affection' ay sina 'Princess Hours' actor Tao Sattaphong Phiangphor bilang si Garret, Gul Amena na gaganap bilang si Khae, at Pear Pitchapa Phanthumchinda bilang si Penny.

Bibida naman sina Chai Chatayodom Hiranyatithi at Tanya Tanyares Engtrakul bilang ang ama at ina ni Nikki na sina Wyatt at Wilma.

Huwag palagpasin ang “Game of Affection” na malapit nang mapanood sa GMA Heart of Asia.