
Ang akala ng marami, mga manloloko at babaero ang mga seaman. Pero ang katunayan, sila pa minsan ang naloloko.
Walang kamalay-malay ang mag-bestfriend at kapwa marino na sina Peter (Rodjun Cruz) at Vincent (Ali Khatibi) na iisa lamang ang babae na kinahumalingan nilang dalawa--si Celine (Maui Taylor).
Magkaibigan ang parehong cook sa barko na sina Peter, isang Pinoy at Vincent, Half-Pinoy, Half- Romanian.
Pagbaba nila sa barko, parehas na umuwi sa Pilipinas ang dalawa. Si Peter uuwi sa kanyang live-in partner. Makikipagkita naman si Vincent sa kanyang online girlfriend.
Kahit pala naging mabuti namang ama sa kanyang mga anak si Peter, hindi pa rin makuntento si Celine!
Mabubuking na ba ang paglalaro ni Celine ng apoy? O patuloy lang niyang mapapaikot ang ulo ng dalawang marino? Ano ba ang dahilan kung bakit nagawa niya ito?
Abangan ang pagbabalik teleserye ni Maui Taylor sa #TadhanaSalisi!
Ngayong Sabado sa Tadhana, 3:15 PM.