GMA Logo abdul and marsy with dennis trillo and jennylyn mercado
Image Source: _titoabdul (Instagram)
What's Hot

Abdul at Marsy, ipinagtanggol sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

By Jansen Ramos
Published January 11, 2026 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino volunteers play key role at Vatican’s Jubilee of Hope
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

abdul and marsy with dennis trillo and jennylyn mercado


Pinatunayan ng content creator duo na sina Abdul at Marsy ang kabaitan ng kanilang 'Sanggang-Dikit FR' co-stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa gitna ng mapanirang isyu laban sa Kapuso couple.

Tumindig ang content creator duo na sina Abdul at Marsy para sa mga kaibigan nilang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, na mga bida sa kinabibilangan nilang serye na Sanggang-Dikit FR.

Sa gitna na isyu ng hiwalayan ng mag-asawa, dinepensahan nina Abdul at Marsy ang Kapuso couple sa mga taong naninira sa kanilang relasyon.

Sabi ng social media personalities-turned-actors, "Iwas kami sa mga taong toxic, kaya alam namin kung gaano kabait itong mag-asawang 'to."

Ayon pa kina Abdul at Marsy, patunay sila sa kabutihang-loob nina Jen at Dennis. "Pinagdarasal namin 'tong mga 'to na i-bless pa ni Lord dahil ang dami nilang natutulungan na tao nang walang nakatutok na camera at isa na kami dun," dagdag ng content creator duo.

Isa na rin sa mga sumang-ayon sa pahayag nina Abdul at Marsy ang kasamahan din nila sa Sanggang-Dikit FR na si Katrina Halili, na matagal nang kakilala si Jennylyn mula pa StarStruck (2003-04).

Bumuhos naman ang suporta para kina Dennis at Jennylyn sa kabila ng kontrobersiya.

Kalakip ng post nina Abdul at Marsy ang Facebook post ni Dennis kung saan ipinaglaban niya ang kanyang asawa sa kumakalat na report tungkol sa umano'y hidwaan ni Jen sa pamilya ng aktor.

Pahayag ni Dennis, "Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay. Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay... wag naman sana sila bigyan ng isyu.

"Mahal na mahal ko po silang lahat at maayos ang samahan namin kahit di man kami madalas nagkakasama dahil sadyang busy ang aming mga schedules."

Sabi pa ng aktor, "2026 na po, mag-focus na lang tayo sa pagiging mabuting tao. Maraming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin.
Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw araw."

Kinasal sina Dennis at Jennylyn noong November 2021. May isang anak sila na si Dylan Jayde.

Parehong may anak sina Dennis at Jennylyn mula sa mga dati nilang nakarelasyon.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's modern family