
Isang nakakaaliw na body swap story ang mapapanood sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida sa episode sina Abdul Raman at Francis Mata.
Si Francis ay si Lolo Erning, biyudo na mag-isang nakatira sa probinsya at nagpapatakbo ng maliit na lomihan.
Si Abdul naman ang apo niyang si Harold na bibisita sa kaniyang lolo para hikayatin itong ibenta na ang bahay sa probinsiya at tumira kasama nila sa Maynila.
Dahil sa isang pambihirang pagkakataon, magigising sina Lolo Erning at Harold sa katawan ng isa't isa!
Magkakakintindihan ba ang mag-lolo ngayong nagkapalit sila ng katawan? Paano kaya sila magsi-switch muli?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "Lolo Ko, Ako?!," August 27, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.