What's on TV

Abdul Raman, gaganap sa sariling talambuhay sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published September 28, 2023 9:56 AM PHT
Updated September 29, 2023 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Abdul Raman on magpakailanman


Bibigyang-buhay ni Abdul Raman ang sarili niyang talambuhay sa bagong episode ng '#MPK.'

Tampok ang kuwento ng buhay ni Sparkle star Abdul Raman sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Espesyal ang episode dahil si Abdul mismo ang gaganap sa sarili niyang talambuhay.

"Ipapakita dito 'yung struggles ko sa UAE, how I really really wanted to leave the country and go back to the Philippines. May magaganap pang mga unforeseen na struggles ko doon and how I overcome it with my mom," bahagi ni Abdul tungkol sa episode.

Bago maging artista, hindi naging madali ang buhay niya sa UAE. Paulit ulit na nakakaranas ni Abdul, pati na ang nanay at kapatid niya ng physical at verbal abuse.

"If I could describe my life story in one word, I would describe it as chaotic. Chaotic talaga. Honestly, madaming nangyari--good, bad--pero in the end of it all, tanggap pa rin natin eh," lahad ng aktor.

Makakasama ni Abdul sa episode si Glydel Mercado na gaganap bilang nanay niyang si Joyettes at si Travis Clarino na gaganap naman bilang nakababata niyang kapatid na si Ziad.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand new episode na "My Mother and I: The Abdul Raman Story," September 30, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Panoorin rin ang pasilip sa taping ng episode sa exclusive video na ito: