GMA Logo Abdul Raman and Shayne Sava
Photo source: @abdulraman23_/ @shaynesava (IG)
Celebrity Life

Abdul Raman, ipinakita ang suporta kay Shayne Sava sa paggaling nito mula sa COVID-19

By Maine Aquino
Published January 28, 2022 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Abdul Raman and Shayne Sava


Alamin kung ano ang ginawa ni Abdul Raman para masiguro ang kaligtasan ni Shayne Sava sa COVID-19.

Sinamahan ni Abdul Raman si Shayne Sava sa pagpapa-booster shot para labanan ang COVID-19.

Ito ay ginawa ni Abdul dahil sa labis niyang pag-aalala kay Shayne nang magpositibo ang dalaga sa COVID-19.

Si Shayne ay nagpositibo kamakailan sa COVID-19. Ayon sa Kapuso star, dalawang beses na siyang nagpositibo sa naturang virus.

Saad ni Abdul sa ipinadala niyang mensahe sa GMANetwork.com, gusto niyang ipadama ang suporta niya para kay Shayne kaya naman sinamahan niya ang aktres na magpa-booster shot.

Abdul Raman and Shayne Sava

Photo source: @abdulraman23_/ @shaynesava

"Sinamahan ko kasi I just wanted to be there for her while she takes her booster, especially after ko nalaman na nag-positive siya."

Inamin rin si Abdul na ang kanyang ipinadalang mga prutas para kay Shayne ay para tulungan siyang maka-recover agad nang siya ay tamaan muli ng nakakahawang sakit.

Ayon sa aktor, "Siyempre I felt worried. I hoped for her swift recovery and did my part by buying her some fruits."

Kilalanin ang iba pang mga nagpositibo sa COVID-19 ngayong January 2022 sa gallery na ito: