GMA Logo Abed Green at Glaiza De Castro
Source: mr.abedgreen (IG) & glaizaredux (IG)
What's Hot

Abed Green at Glaiza De Castro, may intimate scenes sa pelikulang 'Slay Zone'

By Aedrianne Acar
Published February 14, 2024 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH pushes AI hub proposal to support MSMEs
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Abed Green at Glaiza De Castro


Anong nasabi ni Sparkle hunk Abed Green tungkol sa experience niya sa intimate scenes nila ni Glaiza De Castro sa 'Slay Zone'?

Kinabahan ang Open 24/7 actor na si Abed Green nang gawin ang intimate scene nila ng Sparkle prime actress na si Glaiza De Castro sa mystery-thriller movie na Slay Zone na mapapanood na simula ngayong February 14.

Umamin si Abed nang makapanayam siya via Zoom ng entertainment writer na si Gorgy Rula.

Ayon sa Kapuso hunk, importante na nag-usap sila ni Glaiza bago nila kunan ang eksena.

“Sa una po siyempre, before po namin gawin 'yung scene nag-uusap na po kami ni Ate Glai, kino-choreo na po namin kung saan po ba ako hahawak. Kasi po may parang papasok po kami sa kotse, nagpapaalam po ako sa kaniya. Okay naman po, wala naman po naging problema. Wala naman po ilangan at tsaka walang nalagpasan na mga boundaries.”

Isang post na ibinahagi ni Abed (@mr.abedgreen)

Para naman sa Sang'gre actress na si Glaiza De Castro, mas inisip niya na maging komportable si Abed sa gagawin nilang intimate scenes.

Nakasuporta rin naman ang direktor nila sa movie na si Direk Louie Ignacio na inalalayan sila throughout the shooting.

“Hindi ko na masyado inisip 'yung ilang, kasi gusto ko maging comfortable rin si Abed pagdating sa mga ganung eksena,” saad ni Glaiza.

Pagpapatuloy ng aktres, “So, talagang sinabi ko sa kaniya na: 'okay lang yan, okay lang gawin yan.'

“Tapos, si Direk [Louie] rin naman 'yung nagsabi na ito 'yung gagawin n'yo, gawin n'yo lang 'to. May konting daya, may mga ganun… Medyo may kaba factor, kasi big screen siya mapapanood, so hindi siya katulad ng mga teleserye na sa TV ganiyan. So, dito parang ang laki ng screen so kitang-kita. Pero, as much as possible talagang binaba ko na rin 'yung walls ko, ayoko na ma-feel ni Abed na may limitations ako.”

Bibida rin sa Slay Zone ang multi-awarded comedienne na si Pokwang, pati na rin sina Maui Taylor, Rico Barrera, Queenay Mercado at Richard Armstrong.

RELATED CONTENT: MEET MORENO HUNK ABED GREEN