
Isang masaya at nakakilig na episode ang napanood sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong nakaraang Linggo (February 12).
Sa Valentine's episode ng naturang programa, nagbabalik ang dating game na “Pusuan Na 'Yan," kung saan ginamit ng tatlong lucky hunks ang kanilang charms para sa pagkakataon na makipag-date sa mystery stunner na si “Miss Masarap Magmahal,” na isang popular online creator.
Ang tatlong handsome hunks na sumalang sa nasabing laro ay sina “Mr. Romblon” (Abed Green), “Mr. Laguna” (Carlo San Juan), at “Mr. Tagaytay” (Mclaude Guadaña).
Iba't ibang katanungan naman ang hatid ni Miss Masarap Magmahal sa mga aktor para malaman kung sino sa kanila ang kanyang pupusuan.
Isa sa mga tanong ng mystery stunner ay kung paano sila umungol kapag humihigop ng mainit at masarap na sabaw. Sino kaya kina Mr. Romblon, Mr. Laguna, at Mr. Tagaytay ang papasa sa pandinig ni Miss Masarap Magmahal? Panoorin sa video na ito.
Bukod dito, isa sa mga katangiang gusto ni Miss Masarap Mapagmahal sa lalaki ay ang mayroong malakas o healthy na pangangatawan. Dahil dito, isa-isa niyang hinawakan ang abs ng tatlong hunks, na mahilig mag-workout, para malaman kung gaano sila ka-fit.
Matapos ang tanungan, sino kaya kina Mr. Romblon, Mr. Laguna, at Mr. Tagaytay ang pupusuan ni Miss Masarap Magmahal? Alamin sa video sa ibaba.
Para sa nonstop saya at tawanan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG KAPUSO HUNKS AT ANG KANILANG ABS SA GALLERY NA ITO.