What's on TV

Abed Green, thankful sa co-actors sa kanyang television debut episode sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published December 24, 2021 12:11 PM PHT
Updated December 24, 2021 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Abed Green in Ang Tunay na Kulay ng Pasko on MPK


First television role ni Abed Green ang pagganap niya sa fresh at brand new Christmas special ng '#MPK.'

Puno ng blessings ang taon ng athlete at social media star na si Abed Green.

Matapos mapansin sa social media, nagkaroon siya ng pelikula sa ilalim ng isang major film company at ngayon ay nabiyayaan na rin ng kanyang first television role.

Bibida siya sa fresh at brand new Christmas special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Magkahalong emosyon daw ang naramdaman niya sa unang pagganap niya sa telebisyon.

"Hindi ako kinabahan kasi excited ako. Noong nandoon na ko sa set, relaxed ako pero parang iniisip or nako-conscious ako kung anong kakalabasan [ng mga eksena].

"After noong shoot, doon ako kinabahan kasi siyempre hindi ko naman nakikita kung anong itsura ko sa camera, kung tama ba 'yung pinaggagagawa ko, 'yung expressions ko. Kinabahan ako after the shoot pero during the shoot, relaxed naman kasi mabait sila lahat," kuwento ng newbie actor sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Dahil dramatic ang role, malaki daw ang pasasalamat ni Abed sa kanyang co-stars sa episode.

"Tinulungan nila 'ko. Tinulungan talaga nila ko na hindi sila nagalit sa akin. Sinabi nila kung anong mga kailangan kong gawin, mga tips, mga techniques. Ang dami kong natutunan so thankful talaga ko," paliwanag niya.

Makakasama ni Abed sa episode ang showbiz veterans na sina William Lorenzo at Rita Avila, pati na ang StarStruck alums na sina Liezel Lopez at Abdul Raman.

"Sobrang chill lang sila eh. Si Ms. Rita, binigyan niya 'ko ng tips sa pag-iyak. Si Liezel din, binigyan din niya ko ng tips sa pagda-drama. Si Sir William naman, siya 'yung parang pinaka naging guide ko kasi roommates kami. Sa kanya talaga 'ko nagtatanong. Sabi ko, 'Sir ano po bang magandang gawin para mas magawa ko 'yung role ko?' Sabi niya, 'Dapat 'pag pumunta ko dito, hindi na ikaw si Abed.' Thankful ako sa kanila, sobra," aniya.

Panoorin ang kanyang interview dito:

Bibigyang-buhay ni Abed ang kuwento ni Jessy, isang lalaking hindi kailanman nakilala ang kanyang biological father. Nangungulila man sa magulang, minahal naman siya ng kanyang tito at tita at itinuring na tunay na anak.

Huwag palampasin ang brand new episode at Christmas special na "Ang Tunay na Kulay ng Pasko: The Jessy Hernandez Story," ngayong Sabado, December 25, 8:15 p.m. sa #MPK.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: