What's on TV

Abed Green, unang beses mapapanood sa telebisyon sa Christmas special ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published December 24, 2021 10:29 AM PHT
Updated December 24, 2021 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Abed Green


Ang fresh at brand new Christmas special episode ng #MPK ang magsisilbing television debut ng social media star at athlete na si Abed Green.

Narito na ang pinakaaabangang Christmas special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman!

Tampok sa upcoming fresh at brand new episode na ito ang social media star at athlete na si Abed Green.

Ito ang kanyang television debut at bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Jessy Hernandez, isang lalaking nangungulila sa mga magulang.


"Never niya nakita 'yung tunay niya na tatay. Tapos 'yung mom niya may asawa na foreigner sa ibang bansa. Doon siya lumaki sa tito and tita niya, sa kapatid ng mommy niya. 'Yun ang tumayo na tatay and nanay niya na mahal na mahal siya. Talagang tinuring siyang parang anak," kuwento ni Abed tungkol sa kanyang karakter sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com

Suwerte daw siyang nakilala niya mismo si Jessy dahil nakatulong ito sa pagganap niya sa episode.

"Oo, nagsabi talaga 'ko na kuwentuhan niya ko kasi gusto kong i-internalize 'yung character. Gusto kong magampanan 'yung character niya. Sabi ko sa kanya, 'Kuya, kuwento mo naman sa akin kung anong reaction mo, na-feel mo noong na-injure ka saka noong namatay 'yung papa mo. Kinuwento niya po and 'yun po 'yung nakatulong sa akin makapag-acting nang maayos. Sobrang chill niya lang," paggunita ni Abed kay Jessy.

Excited at very thankful din daw si Abed sa kanyang unang television appearance.

"First drama, first time talaga kaya sobrang thankful po ako sa GMA, sa Magpakailanan tapos po sa management ko siyempre, sa Cornerstone. Parang timing lahat kasi first time ko magda-drama--hirap pa 'kong umiyak, hindi ko pa alam 'yung mga ipapakita kong emotions--pero si Lord na rin siguro nag-plano na bigyan niya ko ng forgiving na direktor, si direk Neal (del Rosario) tapos mga forgiving na co-actors and co-actreses," pahayag ni Abed.

Makakasama niya sa episode sina William Lorenzo, Rita Avila, Liezel Lopez at Abdul Raman.

Abangan si Abed sa brand new episode at Christmas special na "Ang Tunay na Kulay ng Pasko: The Jessy Hernandez Story," ngayong Sabado, December 25, 8:15 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Panoorin din ang eksklubisong interview ng GMANetwork.com kay Abed dito: