Celebrity Life

Abel Estanislao and his passion for cars

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 1:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump lands in China for Xi summit with Nvidia CEO in tow
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa pag-arte, si Abel Estanislao ay abala sa running, cycling, Judo, at iba pang klase ng sports. Ngunit ang hindi alam ng lahat ay mahilig din ang Kapuso actor sa iba’t ibang klase ng kotse.

Bukod sa pag-arte, si Abel Estanislao ay abala sa running, cycling, Judo, at iba pang klase ng sports. Ngunit ang hindi alam ng lahat ay mahilig din ito sa iba’t ibang klase ng kotse.

Makikita sa kanyang Instagram account na @abelestanislao, ang kanyang pagkakahilig sa mga kotse. Ayon kay Abel, nagsimula ang kanyang pagkakahilig sa kotse bata pa lamang siya. Kwento niya “Yung pinakahuling naalala ko, lagi akong nasa shop ng Ninong ko. Sa talyer, nagpipintura, nag-aayos ng kotse, ganun. Tapos doon na ako namulat. Parang akala ko normal lang yung ganun. Hanggang ngayon nadala ko.”

May isang kotse na pinapangarap si Abel, at ito ay ang Mercedes Benz, AMG SLS. “'Di ko afford yun. Pero dream car ko yun! Siguro in the future kapag mura na siya, bibilihin ko na siya.” Nakakatuwang kuwento ni Abel.

Ayon kay Abel, kung wala siyang taping at makakapagdrive siya sa isang lugar pipiliin niya ang Sierra Madre sa Tanay. Aniya, “sobrang ganda kasi ng kalye, as in 19 kilometers siya tapos puro zigzag lang. Lahat ng car enthusiasts doon pumupunta pag gustong maglaro, yung iba nagdi-drift doon. Doon free ka kung anong gusto mong gawin.”

Dahil si Abel ay nagmamaneho ng sarili niyang sasakyan, inalam namin kung nakakadagdag ba ng pogi points kapag ang lalaki ay mayroong sariling sasakyan.

“Siyempre! Kasi isipin mo, mag-dedate ka tapos susunduin mo yung girl nakataxi lang. Turn off kaagad yun. Plus pogi points talaga pag may kotse, kasi iba na pag 'yung kotse mo nakaporma din. Tapos ikaw, nakaporma din. Mas ma-aattract 'yung girl sayo,” kwento niya.

Bukod sa kotse, tinanong namin si Abel kung may iba pang mga bagay na nakakadagdag ng pogi points? "Big bikes or sport bikes. Siguro 'yung marunong kumanta, ayun pogi points yun. Marunong mag gitara!”

Dahil sa marunong kumanta at mag gitara, may kotse, at mahilig sa bikes si Abel, itinanong namin kung sa tingin niya ba ay counted siya sa mga lalaking matataas ang pogi points?

“Ako? 'Di ko alam e. Meron ba?” ang natatawang tanong ni Abel.

Abangan si Abel sa Villa Quintana, pagkatapos ng Eat Bulaga.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com