Article Inside Page
Showbiz News
Para kay Abel Estanislao, maituturing niyang big break ang kanyang pagkakasali sa show na 'Teen Gen'. Doon, nakasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Juancho Trivino at Mikoy Morales na co-stars din niya ngayon sa Afternoon Prime series na 'Villa Quintana'.

Para kay Abel Estanislao, maituturing niyang big break ang kanyang pagkakasali sa show na
Teen Gen. Doon, nakasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Juancho Trivino at Mikoy Morales na co-stars din niya ngayon sa Afternoon Prime series na
Villa Quintana.
Ibinahagi ni Abel ang nakakatuwang simula niya sa showbiz, “pagpasok ko sa Artist Center, may audition para sa
Teen Gen, so nag-try ako. Ayun callback ng callback hanggang paunti kami ng paunti. Parang one day nagtext na lang sa akin 'yung handler ko na pasok ako sa
Teen Gen. Ayun, nasa sinehan ako noong naiyak ako. Nanonood ako ng action film, si James Bond. Paglabas namin ng sinehan nagulat sila bakit ako umiiyak, 'yun pala tanggap na ako.”
Mula sa
Teen Gen, napasama si Abel sa
Villa Quintana. Kaya’t inalam ng GMANetwork.com kung ano ang difference ngayon na ginagampanan niya ang role na Miggy.
“Medyo kailangan baguhin 'yung character kasi kasama ko si Mikoy and Juancho 'e. Baka maging
Teen Gen na naman 'yung character. Kami ni Juancho magkasama kami tapos kaaway namin ngayon si Mikoy. So ibang-iba yung character talaga. 'Di katulad dati na magkakasama kami, ngayon kailangan namin i-seperate 'yung character sa
Teen Gen sa
Villa Quintana. Pero masaya naman kapag magkakasama kami.”
Nakakatuwa namang ibinahagi ni Abel na isa sa dream roles niya ay ang maging bida/ kontrabida. Aniya refreshing umano ito sa kanyang roles na ginagampanan.
Sausaping dream project naman, lumabas ang pagkahilig ni Abel sa mga kotse. Aniya gusto niya maging bida sa isang kakaibang action film.
“Gusto ko gumawa ng movie na parang
Fast and The Furious, kasi parang walang gumagawa dito ng ganoon 'di ba? 'Yung mga movies natin parang paulit-ulit lang,” pahayag niya.
Abangan si Abel Estanislao bilang Miggy sa
Villa Quintana, Monday to Friday pagkatapos ng
Eat Bulaga.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com