GMA Logo Abi Marquez on Unang Hirit
Source: @gmanews/YT
What's Hot

Abi Marquez, nagbago ang buhay dahil sa lumpia

By Kristian Eric Javier
Published October 18, 2023 4:36 PM PHT
Updated October 18, 2023 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Abi Marquez on Unang Hirit


Alamin ang kuwento ni "Lumpia Queen" Abi Marquez

Ayon sa Tiktok Foodie Creator of the Year awardee na si Abi Marquez, nabago ang kaniyang buhay ng pangunahing laman ng kaniyang content sa social media, ang lumpia.

“I think if hindi ko nasimulan 'yung series na 'to, I wouldn't be here, I wouldn't have this award or title, kasi sa lumpia talaga nagkaroon ng recall 'yung mga tao sa content ko,” sabi ni Abi sa guesting niya sa GMA morning show na Unang Hirit.

Dagdag pa niya, “It's so important to me, it's such a great opportunity na when I graduated college, I just did content creation.”

Ibinahagi rin ni Abi na aksidente lang ang pagkakakabit ng lumpia sa kaniya, at nagsimula ang lahat dahil gusto niyang mag-experiment at gumawa ng choco-marshmallow lumpia sa bahay.

Nang tanungin siya kung naging matagumpay ang kaniyang experiment, ang sagot ni Abi, “Medyo. Natunaw 'yung marshmallow sa loob.”

Ngunit kahit nag-fail ang kaniyang experiment, marami naman ang nagbigay ng suggestions sa kaniya para ma-improve pa ang kaniyang dish.

“Pinatulan ko 'yung mga comments, ginawa ko lahat ng mga suggestion nila, and then every time I post, people would ask me to experiment on putting that dish into lumpia wrapper,” kuwento nito.

BALIKAN ANG MGA NANALO SA NAGDAANG TIKTOK AWARDS 2023 DITO:

Aminado rin si Abi na wala siyang culinary background ngunit hilig naman niya ang pagluluto simula bata pa siya. At dahil may cooking subjects siya noon sa college sa kurso niyang Hotel and Restaurant Institution Management ay nagamit naman niya ang mga natutunan sa pagluluto kaniyang channel.

“So now I'm a full-time content creator. Doing lumpia experiments at home,” dagdag pa nito.

Ngayon, mayroon nang 2.9 Million followers si Abi sa Tiktok samantalang ang kaniyang original chocolate-marshmallow experiment video ay umami na ng 6.9 million views.

Panoorin ang buong interview ni Abi sa Unang Hirit dito: