GMA Logo Abi Marquez, Tito Marsy, Tito Abdul
What's on TV

Abi Marquez, Tito Marsy, at Tito Abdul, nagbago ang kanilang buhay matapos maging content creators

By Kristian Eric Javier
Published August 6, 2025 9:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kaanak ng dalagitang natagpuang patay sa taniman ng pinya sa Polomolok, hinihinalang 'di lang 2 ang suspek sa krimen
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Abi Marquez, Tito Marsy, Tito Abdul


Malaki na ang pinagbago ng mga buhay nina Abi Marquez, Tito Abdul, at Tito Marsy dahil sa paggawa ng content. Alamin ditto ang kanilang mga kuwento.

Hindi maitatanggi na maraming content creators ang kumita ng malaki dahil sa paglabas nila ng videos sa iba't ibang social media sites, partikular na sa TikTok. Naging patunay rito sina Lumpia Queen Abi Marquez, at comedic duo na sina Tito Marsy at Tito Abdul.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 8, ibinahagi nina Abi, Tito Marsy, at Tito Abdul kung gaano na kalaki ang pinagbago ng kanilang buhay dahil sa pagiging content creators.

Kuwento nina Tito Marsy at Tito Abdul, kumikita sila sa pamamagitan ng pag-promote ng mga produkto at brands sa kanilang channel. Nilinaw rin nila na walang kinikita sa dami ng views, bukod sa kung may magpapadala ng cash sa pamamagitan ng naturang app.

Dagdag pa ni Abi, “Yeah, through live. But monetization, wala pa po. It's mostly partnerships or brand, brand sponsors.”

Nilinaw rin ni King of Talk Boy Abunda na kailangan din hintayin bago bumalik at kumita mula sa paggawa ng content.

Kinumusta rin ng batikang host kung ano na ang pinagbago ng kani-kanilang mga buhay simula noong maging content creators sila. Ayon kay Abi, malaking pagbabago ang nakita niya dahil estudyante pa lang siya noong magsimula siya at hindi pa kumikita.

“Now, I can buy groceries for my family, I can hire people, and I can travel as well,” sabi ni Abi.

MA-INSPIRE KAY CHRISTIAN ANTOLIN AT SA MGA NAIPUNDAR NIYA MULA SA PAGIGING ISANAG CONTENT CREATOR SA GALLERY NA ITO:


Aminado naman ang kinikilalang si Lumpia Queen na ang pinakamahal niyang binili ay ang mga camera na gamit din niya sa paggawa ng content. Aniya, nag-ivest talaga siya sa mga ito para ipagpatuloy ang kaniyang karera bilang content creator.

“Also actually most expensive nga is like plane ticket or staying in places like New York to receive the Webby Awards in 2024, 'yun po, out of pocket ko 'yun e, kaya minsan, masakit din siya, but it's an investment and I don't regret those things,” dagdag pa ni Abi.

Para naman kina Tito Marsy at Tito Abdul, ang pinakamahal nilang binili mula sa kanilang mga kinita ay kotse.

Kuwento ni Tito Abdul, “Nakabili ako ng kotse kasi pangarap ko talaga, sa friends kasi namin, ako na lang 'yung nagmo-motor e. Then nu'ng kumita na'ko, ayun.”

Pagbabahagi naman ni Tito Marsy, pinakaimportante sa kanila ng kaniyang ka-duo ang kotse para makapunta sila sa iba't ibang lugar na ginagamit nila para sa content.

Panoorin ang panayam kina Abi, Tito Marsy, at Tito Abdul dito: