
Ang isa sa mga gumaganap bilang kontrabida sa Abot-Kamay Na Pangarap, mayroong gustong sabihin sa mga manonood.
Sa isang panayam, isang mensahe ng pasasalamat ang nais ipaabot ng Sparkle star na si Kazel Kinouchi sa viewers at fans ng hit afternoon series na kanyang kinabibilangan.
Pahayag ni Kazel, “First of all mga Kapuso, Thank you po sa unending support n'yo sa show namin. Hindi kami magiging successful if it wasn't for you po. Sana po tuluy-tuloy ang pagsuporta ninyo.”
Bukod dito, ibinahagi ng Abot-Kamay Na Pangarap star ang ilan pang dapat abangan sa serye.
“Maraming marami pang mangyayari, kung akala n'yo sobrang init na nung mga pangyayari eh mas may iinit pa sa mga susunod na linggo. So, sana po abangan n'yo po…”
Una namang sinabi ng aktres na si Zoey lang daw ang hate ng mga manonood at hindi siya.
Sabi niya, “Alam kong si Zoey lang ang hate ng tao hindi si Kazel.”
Napapanood si Kazel sa serye bilang si Zoey, ang anak ni Moira (Pinky Amador).
Siya rin ang kinilala ni Doc RJ (Richard Yap) na tunay niyang anak sa loob ng napakahabang panahon.
Si Zoey din ang numero unang hater ng genius at young doctor na si Dra. Analyn, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.
Samantala, sa naging exclusive interview noon ng GMANetwork.com kay Kazel, sinagot niya ang katanungan kung paano niya hina-handle ang sinasabi ng bashers at haters dahil sa kanyang karakter sa programa.
Ayon sa kanya, hindi siya nagbabasa ng comments o reactions ng viewers at netizens upang maingatan niya ang kanyang sarili.
Patuloy na subaybayan si Kazel bilang si Dra. Zoey sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN PA SI KAZEL KINOUCHI SA GALLERY SA IBABA: