
Nagsisimula nang mabunyag ang lahat ng kasalanan ni Moira (Pinky Amador) sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Matapos malaman ni Zoey (Kazel Kinouchi) na ang kaniyang mommy na si Moira ang tumulak kay Doc RJ (Richard Yap) bago siya ma-comatose, isa na namang rebelasyon ang natunghayan ng mga manonood.
Kasunod ng pag-amin ni Moira sa kaniyang ginawa, binalak ni Zoey na isumbong sa pulis ang una para pagbayarin ito sa kaniyang kasalanan.
Nang sunduin ni Moira si Zoey, doon na niya inamin na hindi siya tunay na anak ni Doc RJ, na itinuring niyang ama sa matagal na panahon.
Inamin ng wicked mother kay Zoey na nagawa niyang magsinungaling kay Doc RJ para sa kapakanan ni Zoey.
ulat na gulat si Zoey sa kaniyang narinig mula sa kaniyang mommy at tila ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ng huli sa kaniya.
Naisip niyang gumagawa lamang ng kuwento si Moira na hindi niya alam ay totoo ang lahat ng sinasabi ng kaniyang mommy.
Sinabi rin ni Moira na 'yun ang dahilan kung bakit nagtalo sila ni Doc RJ sa fire exit ng isang restaurant bago mapahamak ang huli.
Madiin na sinabi ni Moira kay Zoey, “Alam mo ba kung bakit ko nagawa 'yun sa daddy mo? Dahil hindi ka niya tunay na anak. Kaya huwag kang umasta na parang tunay na anak ni Robert. Hindi ka niya kadugo, hindi ka niya kamag-anak, hindi ka niya anak!”
Matatanggap kaya ni Zoey ang katotohanang ito?
Ipapaalam niya ba kay Analyn na hindi sila tunay na magkapatid?
Panoorin ang eksenang ito:
Samantala, ang seryeng tunay na pinag-uusapan na pinamagatang Abot-Kamay Na Pangarap ay pinagbibidahan ng mga aktres na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Patuloy na tumutok sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: