
Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipapalabas noong Sabado, March 25, buong loob na pinangaralan ni Analyn Santos (Jillian Ward) ang bagong CEO ng APEX at ang kanyang tiyahin na si Giselle Tanyag (Dina Bonnevie).
Nang malaman ni Analyn na gusto ni Giselle na pasingitin ang isang pasyente na mayroong kaya sa buhay, agad niya itong kinausap.
Sabi ng batang doktor sa bagong CEO ng ospital, “Opo Ma'am ospital n'yo po ito. Pero ospital nga po, at may responsibilidad po tayo na alagaan po ang mga pasyente po natin nang mayroon pong pagmamalasakit at pagmamahal.”
Tinutulan naman ni Giselle ang mga sinabi sa kanya ni Analyn.
Kasunod nito, sumagot pa rin sa kanya ang young at genius doctor, “Okay business n'yo po 'yan, pero 'yung negosyo po ninyo, buhay po ng mga tao. Wala pong katumbas 'yung buhay na maililigtas po natin. At kung iisipin n'yo po, may mga pamilya po sila. Isipin n'yo na lang po iyon.”
Tila wala nang masabi si Giselle hanggang sa hinayaan na lamang niya si Analyn ngunit sa isang kondisyon.
Ayon kay Giselle, “Sige gawin natin 'yang gusto mo, pero siguraduhin mo na masisingil mo lahat sila dahil kapag hindi, sisingilin 'yan lahat sa sweldo mo. Get it?”
Kahit alam niyang mahihirapan siya, buong loob na pumayag si Analyn sa sinabi ni Giselle sa kanya.
Panoorin ang eksenang ito:
Ano pa kaya ang mangyayari sa APEX habang si Giselle ang nagpapatakbo ng ospital?
Huwag palampasin ang susunod pang mga pasabog na eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: