GMA Logo Richard Yap Pinky Amador Jillian Ward and Carmina Villarroel
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn, ipinagtanggol ang inang si Lyneth laban kay Moira

By EJ Chua
Published December 28, 2022 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap Pinky Amador Jillian Ward and Carmina Villarroel


Analyn to Moira: “Hindi po kabit 'yung nanay ko.”

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, hindi na magpapapigil si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) sa pagtatanggol sa kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel) laban kay Moira Tanyag (Pinky Amador).

Kahit pa alam ni Analyn na matapang ang mommy ni Zoey na si Moira, hindi siya nagpasindak dito at buong tapang niyang ipinagtanggol ang ina.

Matapos pumunta ni Moira sa kanilang compound upang siraan si Lyneth sa kanilang mga kapitbahay, nag-usap sina Analyn at Lyneth tungkol sa nangyari.

Dahil hindi mapanatag ang loob ng genius doctor, isinama niya ang kaniyang ina na si Lyneth sa APEX Medical Hospital upang harapin si Moira.

Walang kaalam-alam si Lyneth sa plano ng kaniyang anak na kausapin si Moira at ang asawa nito na si Doc RJ (Richard Yap).

Gulat na gulat si Lyneth nang sitahin ni Analyn si Moira sa harap ni Doc RJ at Dr. Luke (Andre Paras).

Matapang na sinabi ni Analyn kay Moira, “Ma'am Moira, kung saan n'yo man po narinig 'yung tsismis po na 'yan, huwag po kayong maniwala diyan, dahil mabuti pong babae 'yung nanay ko.”

Dagdag pa niya, “Hindi niya po gagawin 'yun, hindi po kabit ang nanay ko. Naniniwala rin po akong mabuti si Doc RJ at hindi niya po gagawin 'yun.”

Matapos marinig ang tungkol sa ginawa ni Moira, pinilit ni Doc RJ ang kaniyang asawa na humingi ng tawad kay Lyneth.

Walang nagawa si Moira kung hindi sundin ang sinabi ng kaniyang asawa at humingi ito ng tawad sa kaniyang ginawa.

Kahit gustong aminin ni Moira ang buong katotohanan kay Analyn, hindi niya ito nagawa dahil mayroon silang kasunduan ng kaniyang asawa.

Panoorin ang video na ito:

Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: