GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap cast
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn, ituturing na better Tanyag?

By EJ Chua
Published March 30, 2023 10:47 AM PHT
Updated March 30, 2023 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap cast


Mukhang magiging close na sina Analyn at Madam Giselle! Abangan sa #AbotKamayNaPangarap

Ngayong Huwebes sa GMA medical-inspirational drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan sa isang event ang ilang hindi inaasahang mga pangyayari.

Matapos ang nangyaring pagsabog sa APEX Medical Hospital, unti-unti nang bumabalik sa normal ang mga kaganapan sa ospital.

Hindi maikakaila na masaya ang napakaraming staff nang malaman nilang nakaligtas ang batang doktor na si Analyn (Jillian Ward).

Habang nasa isang event, hindi inaasahan ni Analyn ang gagawin ni Madam Giselle Tanyag (Dina Bonnevie), ang bagong CEO ng APEX.

Matutunghayan sa episode na mapapanood ngayong araw kung paano ibabahagi ni Giselle ang pagkikilala na kanyang matatanggap sa pinakabatang doktor sa bansa na anak ng kanyang kapatid na si Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Tila nakita na ng bagong karakter ang kabutihan at husay ni Analyn sa pagiging isang doktor.

Samantala, kaabang-abang kung ano ang magiging reaksyon ni Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi) sa mga mangyayari on stage.

Hindi rin dapat palampasin ang pagbabalik ng wicked mother ni Zoey na si Moira Tanyag (Pinky Amador).

Panoorin ang ilang pasilip sa episode na mapapanood ngayong Huwebes, March 30, 2023:

Ano kaya ang mga mangyayari sa pagbabalik ni Moira sa APEX?

Huwag palampasin ang patindi nang patinding mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUESTS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: