GMA Logo Jillian Ward and Che Cosio
What's on TV

Abot Kamay Na Pangarap: Analyn saves the life of a patient

By EJ Chua
Published October 3, 2022 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Che Cosio


Napanood n'yo ba kung paano ipinaglaban ni Analyn na maoperahan ang kaniyang pasyenteng may appendicitis? Panoorin ang video na ito:

Sa nakaraang episode Abot Kamay Na Pangarap, isang pasyente ang nakaligtas dahil sa ginawa ng youngest doctor na si Analyn (Jillian Ward).

Isang dalagang nasa emergency room ang binantayan ni Analyn upang malaman kung ano ang tunay na kalagayan nito.

Kahit pa sinungitan siya ng nanay ng pasyente, hindi siya nagpatinag at patuloy niya itong inobserbahan at nagsagawa rin siya ng ilang test para rito.

Nang malaman na ni Analyn na mayroong appendicitis ang pasyente, agad siyang nag-utos sa mga nurse na kung maaari ay tulungan siya sa ilang proseso upang maoperahan ang dalaga.

Habang nasa labas ng operating room, hindi tumigil sa pangungulit ang batang doktor upang maalarma ang kapwa niya mga doktor tungkol sa nangyayari sa pasyente.

Ilang beses mang kumontra ang ilan sa mga ito sa kagustuhan ni Analyn, hindi naman siya sumuko hanggang sa mapakinggan na siya ni Dra. Katie (Che Cosio).

Makalipas ang ilang oras, ibinalita nito kay Analyn at sa nanay ng pasyente na nasa maayos na kalagayan na ang dalaga at ligtas na ito.

Maniniwala na kaya si Dra. Katie sa kakayahan ni Analyn bilang isang doktor?

Panoorin kung paano tinulungan ni Analyn ang pasyente sa video na ito:


Patuloy na subaybayan ang kuwento ng youngest doctor na si Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: