GMA Logo Heart Ramos, Carmina Villarroel
What's on TV

Abot Kamay Na Pangarap: Analyn, the accelerated student

By EJ Chua
Published September 16, 2022 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rains to prevail on Christmas Day
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Ramos, Carmina Villarroel


From Grade 3 to third-year high school? Ganon ka-genius si Analyn! Panoorin DITO:

Sa ikasampung episode ng Abot Kamay Na Pangarap, hindi inaasahan ni Lyneth (Carmina Villarroel) ang kakaibang nangyari nang makabalik ang kanyang anak sa pag-aaral.

Dahil kapos sa pera, napilitang huminto noon si Analyn (Heart Ramos/Jillian Ward) habang siya ay isang Grade 3 student.

Ngunit sa tulong ng scholarship na inilaan ng kaibigan ni Michael (Dominic Ochoa) para sa kanyang anak-anakan, muling nakabalik si Analyn sa pag-aaral.

Bago pa maging isang iskolar, napatunayan na sa isang psychological test na genius ang anak ni Lyneth.

Ngunit kahit ganon na ang nangyari, tila hindi pa rin lubos na makapaniwala si Lyneth nang malaman niyang hindi raw angkop ang katalinuhan ng kanyang anak sa edad nito.

Imbes na dapat ay elementary student pa lamang si Analyn, ipagpapatuloy na niya ang kanyang pag-aaral bilang isang third-year high school student.

Panoorin ang episode na ito:

Patuloy na subaybayan ang buhay nina Lyneth at Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: