
Sa hit Kapuso series na Abot-Kamay Na Pangarap, mas mararamdaman ng mga Kapuso kung gaano kamahal ni Analyn (Jillian Ward) ang kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel).
Matapos malamang labis na pinagseselosan ni Moira (Pinky Amador) ang kaniyang ina, mas naging matapang si Analyn na ipagtanggol ito laban sa nanay ni Zoey (Kazel Kinouchi).
Kahit ano pang iwas ang gawin ni Lyneth, tila walang balak si Moira na tigilan siya.
Matapos magpalagay ng posters tungkol kay Lyneth sa eskuwelahan na pinagtatrabahuhan nito, pumunta naman si Moira sa opisina kung saan isinumbong niya si Lyneth.
Nang makausap ni Moira ang boss ni Lyneth, siniraan niya ito at tila gusto niya itong ipatanggal sa kasalukuyan niyang trabaho.
Buong akala ni Moira ay kakampihan siya ng mga nakausap niya roon ngunit siya ay nabigo.
Nang paalis na si Moira sa eskuwelahan, sinundan siya ni Lyneth upang sabihan na sana ay tigilan na nito ang panggugulo sa kaniyang buhay.
Kasunod nito, hinampas ni Moira ng bag si Lyneth at inakmaan pang hahampasin ito ng isang matigas na bagay.
Nang maabutan ito ni Analyn, agad niyang ipinagtanggol ang kaniyang ina.
Sa katunayan, hindi na napigilan ni Lyneth si Analyn habang nakikipagsagutan na ito kay Moira.
Una nang ipinagtanggol ni Analyn ang kaniyang ina nang malaman niya noon na ipinagkakalat ni Moira na kabit si Lyneth.
Panoorin ang nakakagigil na eskenang ito:
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: