
Sa nakaraang episode ng GMA inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, muling nagkrus ang landas ng mag-ama na sina Analyn Santos (Jillian Ward) at Dr. Robert “RJ” Tanyag (Richard Yap).
Sa muli nilang pagtatagpo, hindi inaasahan ni Analyn na ang kaniyang iniidolo ay ama pala ni Zoey (Kazel Kinouchi).
Isang araw, habang iniinsulto ni Zoey si Analyn habang nasa loob ng kanilang eskuwelahan, naabutan ni Dr. Tanyag na sinasaktan ni Analyn ang kaniyang anak.
Nang magkaharap sila, hindi inaasahan ni Analyn na kung anu-anong masasakit na salita ang matatanggap niya mula sa tinitingala niyang doktor kung saan inoperahan ang kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel).
Habang si Dr. Tanyag ay ipinagtatanggol ang kaniyang anak na si Zoey, si Analyn naman ay ipinagtatanggol ang kaniyang ina laban sa pang iinsultong natatanggap niya.
Panoorin kung paano nagkasagutan sina Analyn at Dr. Tanyag sa episode na ito:
Kailan kaya malalaman nina Analyn at Dr. Tanyag ang tunay na koneksyon nila sa isa't isa?
Patuloy na subaybayan ang buhay ni Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: