
Sa ikalimang episode ng Abot Kamay Na Pangarap, hindi inaasahan ni Analyn (Heart Ramos/Jillian Ward) na ang batang nakabungguan niya noon sa loob ng ospital ay anak pala ni Dr. RJ Tanyag (Richard Yap).
Matapos siyang samahan ng doktor habang nag-aalala siya sa kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel), biglang napayakap si Analyn kay Dr. Tanyag.
Nang mga oras na iyon, tila nakahugot ng lakas ng loob ang anak ni Lyneth sa tulong ng isang yakap mula sa isang espesyal na tao.
Kahit hindi pa alam ni Analyn at ng doktor ang tunay nilang koneksyon, tila naging magaan na ang loob nila sa isa't isa.
Habang pinapakalma ang henyong bata, bigla namang dumating si Zoey (Kyle Ocampo), ang anak ni Dr. Tanyag sa kaniyang asawa na si Moira (Pinky Amador).
Sa muli nilang pagkikita, tila nadagdagan ang inis ni Zoey nang masaksihan niyang nakayakap sa kaniyang ama ang batang inaakusahan niya na isang oportunista.
Panoorin ang pagtatagpo ng stepsisters na sina Analyn at Zoe DITO:
Patuloy na subaybayan ang Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: